P32.4 Billion ang kinakailangan ng Department of Health upang matapos ang 1823 na health centers batay sa estimate.
Sa naganap na interpolation ng DOH Budget kamakailan, P262.8 billion ito para sa 2026 nang tanungin ni Sen. Loren Legarda bilang ng mga hindi pa natatapos na health facilities sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program.
Kabuuang 1,823 na pasilidad na hindi pa natatapos ang tinukoy ni Sen. Pia Cayetano na naglahad ng DOH budget sa Senado.
Muli naman tinanong ni Legarda kung kasama na ito para sa budget ng susunod na taon ngunit hindi umano ito kabilang sa National Expenditure Program o NEP dahil kailangan pang magbigay ng DOH ng detalye hinggil sa mga hindi pa tapos na centers
Ikinagulat naman ito ni Sen. Legarda dahil ayon sa kaniya nabanggit na ng Department of Budget and Management na ipaprayoridad ang mga hindi pa natatapos na imprastrakture kaysa mga bagong proyekto. | via Ghazi Sarip
