Hindi na kailangang magbitiw sa puwesto ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara kung sa tingin niya malinis siya, yan ay ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro.
Kaugnay ito ng pagbibitiw sa puwesto ng ilang opsiyal sa gabinete matapos madawit sa anomalya ng 2025 budget insertions.
Matatandaang binanggit ni dating Public Works Undersecretary Roberto Bernardo si Angara na umano’y nakatanggap daw ng kickback sa maanomalyang flood control projects.
Kaugnay nito, bunsod ng Delicadeza nagbitiw sa kanilang puwesto si Executive Secretary Lucas Bersamin at Budget Secretary Amenah Pangandaman makaraang akusahan din sila ni former House Appropriations Committee Zaldy Co na nagsisingit sa 2025 national budget ng mga proyektong makaka-kickback ang pangulo. | via Ghazi Sarip
