Naniniwala si bagong Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Charlito Mendoza na maaabot ng Pilipinas ang target na P3.1 trillion na tax collection ngayong taon.
Ayon sa kaniya, conservative estimate ito kung saan apektado ang government spending dahil sa maanomalyang flood control projects.
Mas mababa ang naturang bilang ng taget na tax collection kumpara sa orihinal na P3.219T
Kaugnay nito, nag-abiso na rin si Mendoza sa mga district officers na maging mahigpit sa tax collections upang maabot ang target habang kumpiyansa naman ang bagong BIR Chief na makakamit ito ng ahensya. | Ghazi Sarip
