Pinabulaanan ng Korte Suprema ang petisyon ni Sen. Ronald Dela Rosa at dating Pangulong Duterte na atasan si Ombudsman Jesus Crispin Remulla na ilabas ang umano’y warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban sa Senador.
Inatasan naman ng Supreme Court (SC) ang mga respondent na maghain ng kani-kaniyang komento sa Very Urgent Manifestation sa loob ng 10 araw.
Matatandaang, inaksyunan ng SC En Banc ang petisyon na inihain nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Dela Rosa noong Marso 11, 2025 na kumukwestyon sa pakikipagtulungan ng gobyerno sa pagdakip kay dating Pang. Duterte.
Samanatala, ang mga petitioner ay naghain din ng Very Urgent Manifestation na nagsasaad na ipinahayag ni Remulla sa publiko na nailabas na ang warrant of arrest ng ICC. | via Ghazi Sarip, D8TV News
