Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa HSBC na makipagtulungan sa mga foreign investors upang makita ang laki ng oportunidad sa ekonomiya ng Pilipinas.
Panawagan ng Pangulo, magtulungan upang bumuo ng mas progresibong ekonomiya ng Pilipinas kung saan abot-kamay ang mga serbisyo, oportunidad at kumportableng pamumuhay.
Dagdag pa nito, dapat ipagpatuloy ang paglikha ng lipunang makikita ng mga investors, stakeholder at maging ang mga mamamayan ng Pilipinas bilang isang bansa ng pangako.
Samantala, kinilala niya ang suporta ng foreign banks sa government initiatives kasama ang pakikilahok sa bond issuances kamakailan. | via Ghazi Sarip, D8TV News
