Nagpahayag ang mga miyembro ng gabineteng apektado ng balasahan

Naganap ang balasahan matapos tanggapin Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang resignation ni Executive Secretary Lucas Bersamin at Budget Secretary Amenah Pangandaman.

Ayon kay, Palace Press Officer Atty. Claire Castro, delicadeza ang tinukoy na dahilan ng pagbibitiw sa puwesto, ito’y makaraang madawit ang kanilang kagawaran sa usapin ng maanomalayang flood control projects.

Si Finance Secretary Ralph Recto ang pumalit bilang Executive Secretary at si Frederick Go naman ang bagong kalihim ng Finance Department at si Rolando Toledo naman ang bagong kalihim ng Department of Budget and Management.

Ayon kay Frederick Go, handa siyang harapin ang hamon sa ekonomiya habang si Ralph Recto naman ay tumangging magpatawag bilang little president kaya paiiralin ang low-profile na pamumuno upang matutukan ang policy vetting, deadline at dirketiba ng pangulo. | via Ghazi Sarip, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *