Dumating si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Cararayan-Naga Elementary School sa Barangay Cararayan, Tiwi, Albay nitong Martes, Nobyembre 18.
Pangunahin niyang layunin ang pamamahagi ng iba’t ibang ayuda ng gobyerno para sa mga pamilyang sinalanta ng Super Typhoon Uwan noong Nobyembre 9.
Binati rin ng pangulo ang mga estudyante at guro ng paaralan at personal na sinuri ang kanilang kalagayan. Tiningnan niya ang kondisyon ng mga silid-aralan at pasilidad na matinding naapektuhan ng bagyo, bilang bahagi ng pagtitiyak na makabalik sa normal ang pag-aaral ng mga kabataan sa lugar.
Layunin ng Pangulo na maibigay ang lahat ng tulong na kailangan ng mga nasalanta para agad at mabilis makabangon mula sa pinsalang dulot ng bagyo. | via Allan Ortega
