Iniimbestigahan ng South Korea police ang isang Japanese na babae matapos umano nitong halikan si Jin ng BTS nang walang pahintulot sa isang free hug event noong 2024.
Ayon sa mga ulat, natukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng babae sa tulong ng Japan, ngunit tumanggi itong humarap para sa imbestigasyon.
Sa isang viral na video, makikitang tila hindi komportable si Jin matapos siyang biglaang halikan sa pisngi ng babae, na nasa 50s ang edad. Sa isang blog post, isinulat umano ng babae na, “My lips touched his neck. His skin was so soft.”
Si Jin, 32, ang pinakamatandang miyembro ng BTS at kaka-discharge lang mula sa mandatory military service noong Hunyo 2024. – via Allan Ortega | Photo via KimSeok-jin-AP
BTS Jin ninakawan ng halik, iniimbestigahan ng SK pulis
