Sandro Marcos, walang katotohanan ang sinasabi ng kaniyang Tita Imee

Gumagamit ng illegal na droga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at first lady Liza Araneta Marcos yan ang tahasang pag-akusa ni Sen. Imee Marcos sa ikalawang araw ng INC Peace Rally sa Quirino Grandstand kagabi.

Ayon sa Senadora, bata pa lang sila batid na umano ng kanilang pamilya ang tungkol kay Pangulong Bongbong Marcos ngunit noon naman ay may tatay pa raw sila kaya hindi pa niya responsibilidad.

Dagdag pa nito, bahagi si Pangulo sa listahan ng mga gumagamit ng pinagbabawal na droga noong 2016 ngunit ipinakiusap lang daw niya kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, sa pahayag na inilabas ni Sandro Marcos sa kaniyang Facebook Page, pagsisinungaling umano ito para sa pansariling ambisyong pulitikal, wala umano itong katotohanan, basehan at magandang idudulot sa bayan. | via Ghazi Sarip, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *