Inaasahang ilalabas na ang warrant of arrest laban sa ilang mga matataas na opisyal na umano’y sangkot sa flood control project scam bago mag-Pasko.
Sa isang panayam, inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na maaaring ilabas sa December 15 o bago pa man mag-Pasko ang arrest warrant kina Zaldy Co, Senators Chiz Escudero, Jinggoy Estrada at Joel Villanueva.
Kasama rin sa mahaharap sa kaso ang mga dating senador na sina Bong Revilla, Nancy Binay at special envoy to China Maynard Ngu.
Paglilinaw ni Remulla, may ilan man siyang kaibigan sa nabanggit, tiniyak niya na kanyang gagampanan ang kanyang tungkulin bilang Ombudsman.
Samantala, iimbestigahan naman ng Ombudsman sina dating Senators Sonny Angara at Grace Poe matapos madawit ang kanilang pangalan sa salaysay ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo na nakatanggap umano ang mga ito ng kickback mula sa maanomalyang proyekto ng pamahalaan.
