Inatasan ang Philippine National Police (PNP) na bantayan at sugpuin ang mga social media post na nagkakalat ng fake news kaugnay ng anti-corruption rallies na nagsimula nitong November 16 na inaasahang magtatapos ng November 18.
Ayon kay acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., inutusan na niya ang PNP-ACG o Anti-Cybercrime Group na magsagawa ng monitoring at magsampa ng kaukulang aksyon laban sa mga nagkakalat ng maling impormasyon.
Giit niya, iginagalang ng PNP ang malayang pamamahayag ngunit hindi kasama rito ang pagpapakalat ng flase claims at fake contents.
Dagdag ni Nartatez, naka-deploy ang PNP hindi lang sa mga assembly area at kalsada kundi pati na rin sa cyberspace upang tugisin ang sinumang manlilinlang sa publiko.
Pinangunahan ng Iglesia Ni Cristo ang tatlong-araw na pagtitipon sa Luneta na nananawagan ng pananagutan sa umano’y korapsyon sa flood control at iba pang proyekto.
