Escudero gustong paimbestigahan ang Pigos, posibleng ipatigil

Pinakakalampag ni Senate President Francis Escudero ang gobyerno para rebyuhin ang Philippine Inland Gaming Operators (Pigos) na parang Pogo pero para sa mga Pilipino.
Ayon kay Escudero, halos pareho lang ang epekto ng Pigos sa Pogos—nakakasira ng buhay, lalo na sa mga mahihirap. Kung ipinasara na ang Pogos dahil sa masamang epekto nito, bakit pinapayagan pa ang Pigos?
Hinihimok niya ang Pagcor na magsagawa ng masusing pag-aaral kung sulit ba ang kinikita ng gobyerno mula sa Pigos kumpara sa posibleng pinsalang dulot nito sa mga Pilipino.
Binigyang-diin din niya na kung nagawang ipasara ni Pangulong Marcos ang e-sabong at Pogo, walang dahilan para hindi gawin ito sa Pigos kung ito’y nakakasama rin sa bayan. – via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *