Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na maaabot ng programang P20 na bigas ang Clark Pampanga, simula Disyembre.
Nasa 1,500 na manggagawa ang umano’y makikinabang sa naturang rice initiative, ayon sa DA.
Naisakatuparan ang programang Benteng Bigas, Meron Na sa pakikipagtulungan ng DA at Clark Development Corporation.
Dagdag pa rito, maipapamahagi ang mga bigas na ito sa Kadiwa ng Pangulo outlets. | via Ghazi Sarip
