Walang naghain ng counter-affidavit sa Department of Justice (DOJ) mula sa mga sangkot sa limang kaso ng umano’y maanomalyang flood control projects sa Bulacan.
Sa pagtatapos ng unang preliminary investigation ng DOJ, sinabi ni Spokesperson Atty. Polo Martinez na kinuha lamang ng mga legal counsel ng mga dawit ang kopya ng reklamo laban sa kanila.
Kabilang dito ang mga dating tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sina Henry Alcantara, Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, at limang iba pa maging ang may-ari ng Syms Construction na si Sally Santos.
Inaasahan namang maghahain ang mga ito ng counter-affidavit sa susunod na preliminary investigation sa November 24.
Samantala, target ng DOJ na matapos ang pagdinig sa kalagitnaan ng Disyembre kung saan malalaman kung ibabasura ang reklamo o itutuloy sa pagsasampa ng kaso. | via Alegria Galimba
