Muling tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay Department of Energy Oil Industry Management Bureau (DOE-OMB) Assistant Director Rodela Romero, batay sa kanilang four-day trade monitoring ng Mean of Platts Singapore, ang inaasahang presyo ay:
Gasoline – P0.60 per liter
Diesel – P0.75 per liter
Kerosene – P1.00 per liter
Nagkaroon umano ng pagbabago rito matapos pumalo ang Philippine peso sa historic low na P59.17 sa US dollar noong Miyerkules.
Dagdag pa nito, natapos na umano ang pagtigil ng US sa mga essential operations nila kaya muling tataas ang kanilang demand. | via Ghazi Sarip
