Nilinaw ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi lamang ang isyu sa flood control ang dahilan ng pagbagal ng paglago ng ekonomiya sa ikatlong quarter ng taon.
Ayon kay Marcos, maraming dahilan ang nakaapekto sa ekonomiya, kabilang ang epekto ng mga bagyo at pagkawala ng mga araw ng trabaho dulot ng climate change.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumago lamang ng 4% ang ekonomiya ng bansa sa ikatlong quarter, kaya’t mas maliit ang tsansang maabot ang target na 5.5% hanggang 6.5% para sa buong taon.
Nangyari ang pagbagal ng ekonomiya kasabay ng isyu sa flood control na nakaapekto sa mga investor at paggastos ng mga mamimili, at nag-udyok sa pamahalaan na maging mas maingat sa paglalabas ng pondo.
Umaasa rin ang Malacañang na makatutulong ang holiday spending at pagtaas ng export sa pagpapaigting ng economic activity bago matapos ang taon. | via Andrea Matias
