PBBM, itinangging kasama si dating Speaker Romualdez sa makakasuhan sa isyu ng flood control

Aabot na sa 37 indibidwal kabilang ang ilang mambabatas, tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga contractor ang makakasuhan dahil sa umano’y pagkakasangkot sa flood control project scam.

Sa Presidential Report nitong Huwebes, November 13, nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala sa listahan ang kanyang pinsan na si dating House Speaker Martin Romualdez.

Giit ng Pangulo, kung may lumabas mang ebidensya laban kay Romualdez ay kailangang managot ito.

Tiniyak naman nito na walang exempted sa kaso.


“The only evidence that has been made against him was in the Senate. If something else comes out, then he might be answerable for something. So again, you know, we don’t file cases for optics. We file cases to put people in jail or to make people answer,” ani Pangulong Marcos.

Samantala, sinabi naman nito na makakansela ang pasaporte ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co oras na masampahan ito ng kaso.

Si Co ay kasalukuyang nasa ibang bansa at natatakot umano itong umuwi ng Pilipinas dahil sa mga banta sa kanyang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *