Pagkamatay ng isang engineer sa Sorsogon, kinumpirma ng DPWH

Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkasawi ng isa sa kanilang engineer sa Sorsogon.

Kinilala ito na si Engr. Larry Reyes habang kumakalat ang spekulasyon sa sitwasyon nito, walang pang tiniyak na dahilan hinggil sa pagkamatay nito.

Batay sa pahayag ng DPWH sa kanilang Facebook post, hinihiling ng pamilya ng naturang engineer ang privacy upang makapagluksa.

Samantala, matatandaang ang mga infrastructure project sa Sorsogon ang isa sa iniimbestigahan sa mga umano’y maanomalyang proyekto. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *