SB19, nag-release ng “Burn The Flame” para sa International Championship ng Honor of Kings

Naglabas ang P-pop sensation na SB19 ng bagong awitin na “Burn The Flame”, ang opisyal na theme song ng Honor of Kings International Championship (KIC) 2025, na gaganapin sa Manila ngayong Nobyembre.


Ang limang miyembro Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin ay napili bilang official music artists ng prestihiyosong sports tournament.

Ang kanta, na may halo ng hip-hop at rock, ay sumasalamin sa passion, perseverance, at thrill ng kompetisyon ng 16 na koponang maglalaban para sa kampeonato.


May lokal na timpla rin ito dahil ginamitan ng Filipino percussion instruments tulad ng kulintang, na pinaghalo sa modernong electronic beats. Available ang kanta sa English at Taglish versions, kasama ang instrumental at karaoke tracks.


Ang KIC 2025 preliminaries ay magaganap sa Nobyembre 14–18 sa Makati, kasunod ang knockout stage sa Nobyembre 20–23, at ang finals sa Nobyembre 28–30 sa Ayala Malls Manila Bay.


Ang kampeon ay tatanggap ng US$1 milyon, isang exclusive in-game skin, at ang titulo ng KIC 2025 Champion.

Ang Honor of Kings, na gawa ng TiMi Studio Group, ay isa sa pinakasikat na MOBA games sa mundo na may mahigit 200 milyon na rehistradong manlalaro. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *