Gumagawa ang Universal Pictures ng bagong movie musical batay sa “Alice’s Adventures in Wonderland” ni Lewis Carroll, tampok si Sabrina Carpenter bilang pangunahing bida.
Ito ang unang proyekto niya sa isang major studio film mula nang gumanap siya sa The Hate U Give noong 2018, dahil karamihan sa kanyang mga pelikula ay lumabas lamang sa streaming platforms.
Isa si Carpenter sa mga producer, kasama sina Marc Platt, Leslie Morgenstein, at Elysa Koplovitz Dutton.
Si Lorene Scafaria, direktor ng Hustlers at ilang episode ng Succession, ang magsusulat at magdidirek ng pelikula.
Matagal nang paborito ang “Alice in Wonderland” mula sa Disney animated classic ng 1953 hanggang sa live-action versions noong 2010 at 2016 na pinagbidahan nina Mia Wasikowska at Johnny Depp.
Umingay ang balitang ito kasabay ng anim na Grammy nominations ni Carpenter, kabilang ang Album of the Year at Song of the Year para sa kanyang mga hit na Man’s Best Friend at Manchild.
Noong nakaraang taon, nanalo rin siya ng dalawang Pop Grammy para sa Short n’ Sweet at Espresso. | via Allan Ortega
