Nakapagtala ang PHIVOLCS ng minor phreatomagmatic eruption sa main crater ng Bulkang Taal nitong alas-6:51 hanggang hanggang alas-6:5 ng umaga nitong Miyerkules, November 12.
Napadpad ang abo sa direksyong pahilagang-silangan makaraang umabot sa hanggang 2,800 meters ang taas sa ibabaw ng crater ang pagputok.
Kaugnay nito, nakataas ang Alert Level 1 sa Taal bunsod ng panibago nitong aktibidad.
Samantala, hindi pinahihintulutan ang publiko na pumasok sa mga permanent danger zone, maging ang pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid sa kalapit na lugar.
