Nananatiling baha ang 366 na lugar sa walong rehiyon matapos manalasa ang Severe Tropical Storm Uwan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Batay sa ulat, 147 dito ay sa Central Luzon, 104 sa Bicol Region, at 61 naman sa Cagayan Valley.
Habang 29 sa Calabarzon, 16 sa BARMM, 4 sa Ilocos Region, tatlo sa Western Visayas at dalawa sa Northern Mindanao.
Dagdag pa ng NDRRMC, kabuuang 3,596,174 na indibidwal na katumbas ng 1,006,149 na pamilya ang naapektuhan. | via Ghazi Sarip
