Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na nagpunta ng United States si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.
Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, umalis ng bansa si Bonoan nitong Martes, November 11 na dumaan sa Taiwan.
Dagdag pa nito, sakop si Bonoan ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) na inilabas ng Department of Justice (DOJ).
Ngunit ayon sa DOJ, ang pag-alis ni Bonoan ng bansa ay para samahan ang kanyang asawa na isasailalim sa isang medical procedure.
Hindi naman pinagbabawalan ang pag-alis ng bansa ng isang indibidwal na nasa ilalim ng ILBO ngunit babantayan ng mga awtoridad ang mga aktibidad nito sa ibang bansa. | via Alegria Galimba
