Implementasyon ng 2017 Cebu Flood Control Masterplan, sisimulan na —DPWH

Uumpisahan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pag-iimplementa ng Cebu Flood Control Masterplan kasunod ng matinding pagbaha sa lugar sa kasagsagan ng Bagyong Tino.

Sa pagpupulong nina DPWH Secretary Vince Dizon, Independent Commission for Infrastucture (ICI) Commissioner Rogelio Singson, National Irrigation Administration (NIA) Administrator Eddie Guillen at iba pang concerned agencies, kanilang pinag-usapan kung paano maiiwasan ang naging sanhi ng matinding pagbaha sa lalawigan.

Dito binigyang-diin ni dating DPWH Secretary Singson ang kahalagahan ng integrated water resources management (IWRM).

Dagdag pa nito, sa pamamagitan ng watershed management, water impounding at dredging ay mas mapapalawak nito ang kapasidad ng river basin at maiiwasan na ang pag-apaw ng tubig sa ilog.

Ayon naman kay Dizon, nanghinayang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa hindi naipatupad na masterplan noong 2017 kaya naman naisipan nitong iimplementa ito ngayon at mas magiging mabilis ito dahil buo na ang plano.

Bukod sa Cebu, ipinag-utos din ng Pangulo ang pagsasagawa nito sa buong bansa.

Iaanunsyo ng ahensya ang plano sa Cebu sa susunod na linggo. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *