Maglalaro si Alexandra “Alex” Eala sa Macau Tennis Masters sa December 27–28, ayon sa kanyang Instagram story nitong Martes.
Exhibition format ang torneo na pangungunahan ng mga tennis legends at dating Grand Slam champions na sina Li Na at Conchita Martinez.
Kasama si world no. 50 Eala sa lineup na tampok din ang world no. 9 Mirra Andreeva at ATP players na sina Shang Juncheng, Jack Draper, at Jakub Menšík.
Sa unang araw, idaraos ang “Captains’ Challenge” dalawang men’s singles at isang mixed doubles match.
Sa ikalawang araw, uulitin ang challenge kasama ang isang women’s singles, dalawang men’s singles, at awards ceremony.
Wala pang pinal na grouping ang mga manlalaro, pero team captains sina Li at Martinez.
Ayon kay Li, mas magiging kapanapanabik ang torneo ngayon dahil sa kalidad ng mga kalahok.
Determinado rin umano siyang makabawi ngayong taon.
Para kina Eala at Andreeva, magiging warm up ito para sa 2026 season, kung saan magde-debut si Eala sa Australian Open sa January 12.
Bago nito, lalaro siya sa SEA Games sa Thailand sa December 9–21.
Mula rank 147 papuntang career-best world no. 50 ang naging pag-angat ni Eala ngayong 2025 season.
Sa kanyang social media post, sinabi niyang magiging simula pa lamang ito ng inaasam niyang matagumpay na career sa pro tour. | via Allan Ortega
