Bagyong Uwan, unti-unti nang humihina habang nasa labas na ng PAR

Batay sa 11AM update ng PAGASA nitong Martes, November 11, nasa layong 370 kilometro kanluran hilagang-kanluran ng Calayan, Cagayan ang sentro ng bagyo.

May lakas ito ng hangin na 110 kilometro kada oras, at bugso na abot 135 kilometro kada oras.

Kumikilos si Uwan pa-hilagang hilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Bagama’t palabas na ng bansa, may babala pa rin ng hangin at alon sa ilang bahagi ng Luzon.

Itaas pa rin ang Signal No. 2 sa Batanes at ilang bayan sa Ilocos Norte, habang Signal No. 1 naman sa Cagayan, Apayao, Abra, Kalinga, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan. Asahan ang malalakas na bugso ng hangin at ulang dala ng habagat na hinihigop ng bagyo, lalo na sa Luzon at Visayas.

Apektado rin ang karagatan, umabot sa 8 metrong taas ng alon, kaya bawal muna ang laot sa mga mangingisda at maliliit na bangka.

Inaasahan ng PAGASA na tuluyan pang hihina ang Bagyong Uwan habang papunta sa direksyong Taiwan at Japan. | via Ghazi Sarip, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *