Isinusulong sa Senado ang Senate Bill 1109 na nagbabawal sa paniningil ng renta at pagpapalayas sa nangungupahan sa panahon ng kalamidad.
Sa inihaing panukala ni Sen. Win Gatchalian, bawal maningil o magpalayas sa oras
na idineklara ang state of calamity o state of emergency at sa loob ng 30 araw matapos ang termination ng state of calamity o state of emergency.
Kung ang “covered period” ay lalampas sa 60 araw, ang pagbabayad ng “deferred fees, charges at costs” ay gagawing hulugan sa loob ng anim na buwan.
Samantala, kung maisasabatas ang nasabing panukala tatawagin itong Rental Payment and Eviction Moratorium During Disaster and Emergencies Act. | via Ghazi Sarip, D8TV News
