Firing Squad, mungkahing parusa ni Barzaga

Iminungkahi ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga ang death penalty para sa mga sangkot sa illegal logging at mining sa Pilipinas.

Ibinahagi ng kongresista ang saloobin sa kaniyang Facebook account na nagsasabing dapat iisa lang ang parusa sa mga illegal logging at mining sa mga mahahalagang national environmental assets gaya ng Sierra Madre Mountain Range.

Parusang death penalty sa pamamagitan ng firing squad.

Sa comment section ng naturang post, maraming mga netizens naman ang sumang-ayon sa kaniya.

Anila, maging priority rin sana ito ng pamahalaan habang hindi pa huli ang lahat. | via Ghazi Sarip, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *