Iimbestigahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagpunta ng mga lokal na opisyal ng Cebu sa United Kingdom sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Tino sa probinsya.
Ito ang kinumpirma ni Assistant Provincial Administrator Aldwin Empaces nitong Lunes, November 10, matapos makatanggap ng formal communication ang Office of the Governor mula sa ahensya.
Dahil dito, inatasan ng DILG Central Office ang Cebu provincial government na isumite ang kanilang foreign travel authorities (FTAs) na inisyu sa mga opisyal.
Batay sa ulat, kabilang sa mga opisyal na bumiyahe sa ibang bansa ay sina Catmon Mayor Avis Monleon, Compostela Mayor Felijur Quiño, Liloan Mayor Aljew Fernando Frasco, Pilar Mayor Manuel Santiago, Poro Mayor Edgar Rama, San Francisco Mayor Alfredo Arquillano Jr., Tudela Mayor Greman Solante at Board Member Andrei Duterte.
Matatandaang nakaranas ng matinding pagbaha ang Cebu dulot ng Bagyong Tino kung saan umabot na sa 158 indibidwal sa probinsya ang napaulat na nasawi. | via Alegria Galimba
