Mga poste, nagtumbahan matapos manalasa ang Bagyong Uwan sa Pangasinan

Nagtumbahan ang ilang poste ng kuryente sa kahabaan ng highway sa bayan ng Agno, Pangasinan nitong Lunes ng umaga, Nobyembre 10, matapos salantain ng Bagyong Uwan ang lugar.


Sa mga kuha ng Agno MDRRMO, makikitang nakahandusay sa kalsada ang mga poste, dahilan para maapektuhan ang daloy ng trapiko at supply ng kuryente sa ilang bahagi ng bayan.


Nagpapatuloy ang initial assessment ng lokal na pamahalaan upang matukoy ang lawak ng pinsala, kabilang ang epekto sa mga kabahayan, imprastraktura, at linya ng kuryente.


Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat at umiwas muna sa mga lugar na may nakahandusay na kable at poste habang isinasagawa ang clearing operations. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *