Walang naitalang nasawi sa bayan ng Polangui sa Albay sa kabila ng paghagupit ng Bagyong Uwan sa lalawigan kamakailan.
Ayon kay Mayor Jesciel Richard Salceda, bunsod ito ng maagang paghahanda at kooperasyon ng komunidad kaya’t nanatiling ligtas ang mga Polangueño.
Aniya, parehong biyaya at tungkulin na maituturing ang zero casualty.
Samantala, nagpapasalamat naman ang alkalde sa pag-agapay ng mga national angencies gaya ng Department of Public Works and Highways, the Department of Health, barangay health workers, the Philippine Coast Guard, at mga uniformed personnel sa kanilang mga pagsisikap upang ligtas na harapin ang bagyo. | via Ghazi Sarip
