Halos 11K indibidwal, nasagip sa kasagsagan ng Bagyong Uwan —PNP

Nasa 21,682 pulis ang nai-deploy ng Philippine National Police para magbigay seguridad at tumulong sa search and rescue operations sa apat na rehiyong tinamaan ng Bagyong Uwan.

Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Randulf Tuaño, sa isinagawang 62 search and rescue operations, 10,912 indibidwal na ang nailigtas mula sa iba’t ibang probinsya.

Nakapagtala naman ang PNP ng 24 police stations, dalawang headquarter at dalawang police vehicles ang nasira sa Regions II, V, VI at VIII.

Mayroon namang 27 uniformed personnel at isang non-uniformed personnel ang naapektuhan ng bagyo.

Tiniyak naman nito na nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang rescue operations sa mga lugar na apektado ng bagyo. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *