Tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Nobyembre 11, para sa ikatlong sunod-sunod na lingg.
Ayon sa Shell, Seaoil, Cleanfuel, at Petrogazz na tataas ng P0.50 kada litro ang presyo ng gasolina, habang P1.00 kada litro naman ang dagdag sa diesel.
Aabot naman sa P0.90 kada litro ang pagtaas sa presyo ng kerosene.
Noong nakaraang linggo, nagpatupad ang mga kompanya ng langis ng malakihang taas-presyo tumaas ng P1.70 kada litro ang gasolina, P2.70 kada litro ang diesel, at P2.10 kada litro ang kerosene. | via Allan Ortega
