Hindi bababa sa 31 pangunahing kalsada sa Luzon ang hindi madaanan dahil sa hagupit ng Bagyong Uwan nitong Lunes, Nobyembre 10.
Bunsod ito ng matinding pagbaha, bumagsak na puno at poste, at precautionary closures habang nagpapatuloy ang clearing operations.
Marami ring kalsada ang limitado lamang sa ilang uri ng sasakyan.
Mga rehiyong may saradong kalsada:
• CAR – Mga bahagi ng Apayao, Kalinga, Benguet
• NCR – Ilang kalsada sa Navotas at C-4 Road
• Ilocos Region – Pangasinan–Nueva Vizcaya Road
• Cagayan Valley – Mga kalsada sa Isabela, Cagayan, Batanes
• Central Luzon – Baler–Casiguran at Nueva Ecija detour roads
• CALABARZON – Lumang Zigzag Road
• Bicol Region – Maraming pangunahing daan sa Camarines Norte at Camarines Sur
• SOCCSKSARGEN – Kaliwang bahagi ng Sultan Kudarat
Samantala, may limitadong access sa ilang kalsada sa Quirino, Laguna, Naga City, Catanduanes, Southern Leyte, at Northern Samar.
Bagama’t ibinaba na sa typhoon category, habang papalayo na sa West Philippine Sea ang bagyon Uwan, nananatili sa Signal No. 4 ang ilang lugar sa bansa dahil sa patuloy na epekto at pinsala nito.
Mag-ingat sa biyahe at sumubaybay sa mga abiso ng DPWH at lokal na pamahalaan. | via Allan Ortega
