Hilagang Luzon, nakataas sa signal no. 4 dahil sa Bagyong Uwan

Nanatili ang lakas ng bagyong Uwan ngayong Lunes ng umaga habang kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa West Philippine Sea, ayon sa PAGASA.

Nakataas pa rin ang maraming storm signals sa Luzon at ilang bahagi ng Visayas.


Huling namataan ang bagyo sa bilis na 125 km kanluran-hilagangkanluran ng Bacnotan, La Union.

Kumikilos pa-West-northwest, 20 kph at may lakas ng hangin na 150 kph, bugso na 230 kph. Ang hangin mula sa sentro ng bagyo umaabot ng 780 km ang lawak.


Signal No. 4 – Ilocos Sur, La Union, Benguet, Ifugao, Abra, Mountain Province, Kanlurang Pangasinan, Kanlurang Nueva Vizcaya
Signal No. 3 – Pangasinan, Ilocos Norte, Isabela, Nueva Vizcaya, Tarlac, Zambales, at mga katabing probinsya sa Cordillera
Signal No. 2 – Metro Manila, CALABARZON, Aurora, Pampanga, Bulacan, Bataan, Camarines Norte, Mindoro
Signal No. 1 -Batanes, Palawan, Bicol, Romblon, Quezon, Capiz, Aklan, Antique


Asahan ang mabigat na ulan at malalakas na hangin kahit malayo sa sentro.

Paghampas ng alon at storm surge sa coastal areas at posibleng pinsala sa mga estruktura sa mga lugar na nasa Signal No. 4.


Mananatili sa west-northwest sa loob ng 12 oras at lalakas muli pag-ikot nito pahilaga. Sa Miyerkules, babaling ito pa-northeast patungong Taiwan Strait.

Posibleng humina bago mag-landfall sa western Taiwan sa Huwebes, November 13


Paalala sa publiko, patuloy na magbantay sa mga anunsyo ng lokal na pamahalaan at PAGASA para sa inyong kaligtasan. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *