Isa, patay; 18 sugatan sa nahulog na bus sa Gumaca, Quezon

Nasawi ang isang residente matapos mahulog ang bus sa Gumaca, Quezon habang nasa 18 naman ang nasugatan nitong Huwebes, November 6.

Batay sa ulat, galing Bicol at papuntang Maynila ang pampasaherong bus na Bobis Liner na nahulog sa bangin ng bypass road ng Barangay Villa Arcaya.

Ayon kay P/Maj. Marlon Comia ng Gumaca Municipal Police Station, residente ng lugar na isang 17 anyos ang nahagip ng bus.

Nawalan umano ng kontrol ang driver ng bus matapos mamatayan ng makina sa kalsada.

Agad namang rumesponde ang mga rescuers at pulisya ng Gumaca, at dinala sa ospital ang mga naaksidente.

Ligtas naman ang driver na ngayo’y nasa kustodiya na ng mga awtoridad. | via Andrea Matias

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *