Umabot na sa 152 ang iniulat na nasawi dahil sa Bagyong Tino, ayon sa NDRRMC sa kanilang situation report kaninang ala-sais ng umaga nitong Biyernes. Mayroon pang 86 na nawawala at 96 ang sugatan.
Nilinaw ng ahensya na sumasailalim pa sa beripikasyon ang bilang ng mga nasawi at maaaring magbago pa ito.
Bago tuluyang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Huwebes, walo beses na nag-landfall ang Bagyong Tino at nag-iwan ito ng malawakang pinsala sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao. | via Allan Ortega
