Umapela ang Akbayan party-list sa Office of the Ombudsman na isapubliko na ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte, dating Ombudsman Samuel Martires, at ilang opisyal ng constitutional commission.
Ani Akbayan President Rafaela David, ito ay upang maipakita ng gobyerno na seryoso sila sa transparency at accountability.
Giit pa niya, simula nang maupo si Martires bilang Ombudsman, tila naging lihim na ang SALN ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan.
Hinikayat din ng grupo ang publiko na gamitin ang karapatan nila na humiling ng SALN sa mga opisyal ng gobyerno bilang bahagi ng laban sa korapsyon. | via Ghazi Sarip
