Marcos iniutos ang imbestigasyon sa mga flood control project sa Cebu

Iniutos ni President Ferdinand Marcos Jr. na imbestigahan ang mga flood control projects sa Cebu matapos malubog sa malawakang pagbaha ang lalawigan dahil sa pananalasa ni Bagyong Tino.


Ayon sa Malacañang, base sa datos ng DPWH, may 343 flood control projects na ginawa sa Cebu mula 2016–2022, at 168 projects mula 2023–2025. Sa mga ito, dalawa ang terminated at 55 ang kasalukuyang isinasagawa.


Giit ng Palasyo, may malaking pondong inilaan ngunit tila hindi gumagana ang mga proyekto kaya’t kailangan ang imbestigasyon. Hinikayat din ang gobernador ng Cebu na si Pamela Baricuatro na makipagtulungan at magbigay ng anumang ebidensiya o impormasyon na makakatulong para mapanagot ang dapat managot.


Matatandaang nag-post si Baricuatro sa social media na ikinadismaya niya ang lagay ng Cebu:
Aniya, “May ₱26 billion na flood control funds para sa Cebu pero binaha sila ng to the max.”
Nangako naman ang Palasyo na bibisita si Marcos sa Cebu upang personal na silipin ang pinsala at maghatid ng tulong sa mga naapektuhan.


Iniulat ng OCD na higit 66 ang namatay, maraming nawawala, at mahigit 119,000 katao ang inilikas dahil isa ito sa pinakamatinding pagbaha sa kasaysayan ng isla. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *