Handa raw ipakita ni Senate Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ang logbook ng kaniyang opisina kay Senador Rodante Marcoleta matapos ikagalit nito ang pagsilip ni Lacson sa CCTV ng Senado.
Ayon kay Lacson sa Kapihan sa Senado, wala raw dapat ikabahala si Marcoleta sa CCTV footage dahil pampublikong lugar ang Senado at alam ng lahat na may camera sa bawat kanto.
Matatandaang si Sen. Marcoleta ang nagdala kay surprise witness Orly Guteza sa Blue Ribbon hearing, ang testigo na nag-ungkat ng kontrobersiya sa flood control project scandal.
Pero bago raw sumalang sa hearing noong Setyembre 25, nakita sa CCTV na dumiretso muna si Guteza sa opisina ni Marcoleta.
Kaya naman sabi ni Lacson handa raw siyang ibigay ang logbook ng kaniyang opisina para patunayang walang contractors o kung sino-sino ang pasok-labas doon.
Samantala, inamin naman ni Lacson na hindi sila nag-uusap ni Sen. Marcoleta. | via Ghazi Sarip
