2 pang kaso ng bid rigging, inihain ng DPWH sa PCC

Pormal nang isinampa ang dalawa pang kaso ng bid rigging at bid manipulation ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa Philippine Competition Commission (PCC) para sa preliminary inquiry laban sa dalawang kontratista na sangkot sa tatlong kontrata sa Davao Occidental at La Union.

Ayon kay Secretary Dizon, hindi titigil ang pamahalaan hangga’t hindi napapanagot at nakukulong ang mga indibidwal na sangkot upang maibalik sa taumbayan ang kanilang pera.

Giit niya, magpapatuloy ang paghahain ng mga reklamo hangga’t may nakukuhang ebidensya.

Kabilang sa mga pinangalanan sa reklamo ang St. Timothy Construction Corporation, Silverwolves Construction Corporation, at ilang opisyal at empleyado ng DPWH Davao Occidental at La Union 2nd District Engineering Offices.

Ang mga kasong ito ay may kaugnayan sa mga umano’y ghost at substandard flood control projects sa Culaman, Jose Abad Santos, Davao Occidental at Bauang, La Union.

Sinabi ni Secretary Dizon na umabot na sa 15 kontrata ang kabuuang bilang ng mga kaso na naisumite sa PCC na may tinatayang ₱3.13 bilyon na posibleng multa laban sa mga mapapatunayang lumabag sa ilalim ng Section 14, Chapter III ng Philippine Competition Act.

Tinatayang ₱500 milyon ang maaaring mabawi mula sa dalawang contractor na sangkot.

Samantala, naipasa na rin sa Professional Regulation Commission (PRC) ang mga reklamong inihain ni Secretary Dizon sa Office of the Ombudsman noong Oktubre 23, 2025, laban sa 20 lisensyado at accredited na opisyal ng DPWH para sa imbestigasyon at posibleng pagsasampa ng mga kasong administratibo at kriminal. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *