Philippine coast guard, agad na rumesponde sa matinding baha sa Visayas

Agad na rumesponde ang Deployable Response Groups ng Coast Guard District Central Visayas (CGDCV) para ilikas ang mga residenteng na-trap sa matinding baha sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Tino nitong Martes, November 4.

Nasa 75 na tauhan ang ipinadala sa iba’t ibang lugar kabilang ang Liloan, Cebu, Barangay Umapad, Mandaue City, at Barangay Biasong, Talisay City, upang agarang makapaghatid ng tulong.

Pinangasiwaan ito ni CGDCV Commander, Rear Admiral Agapito Bibat PCG na binigyang-diin ang kahalagahan ng mabilis na pag-responde at pakikipagtulungan sa local government units (LGUs) para masiguro ang kaligtasan ng mga naapektuhan na komunidad.

Samantala, matagumpay naman ang isinagawang forced evacuation ng Coast Guard Station Eastern Samar noong Lunes sa mga bayan ng Guiuan, Quinapondan, San Julian, Oras, at Dolores, sa pakikipagtulungan sa Disaster Response Groups (DRG) mula sa Coast Guard District Eastern Visayas, Philippine National Police, Philippine Army, at Municipal Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Patuloy ang pagtugon ng Philippine Coast Guard sa mga mamamayang nangangailangan ng tulong sa gitna ng kalamidad. | via Andrea Matias

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *