Paggipit kay Trump, ipina-deport ng Mexico ang mga cartel kingpins

Sa isang makasaysayang hakbang, 29 na kilalang drug lords, kabilang si Rafael Caro Quintero, ay ipina-extradite ng Mexico sa U.S. nitong Huwebes. Ito’y para maiwasan ang matinding taripa na ikinakasa ni Trump laban sa bansa.
Si Caro Quintero, na utak sa pagpatay sa DEA agent na si Enrique “Kiki” Camarena noong 1980s, ay nahuli noong 2022 at kabilang sa mga most-wanted ng FBI. Ayon sa U.S. Department of Justice, maaari siyang maharap sa death penalty at kasong terorismo.
Kabilang din sa mga isinuko ang dating mga lider ng brutal na Zetas cartel, pati na ang ex-Juarez cartel boss na si Vicente Carrillo. Ayon kay U.S. Attorney General Pam Bondi, ang hakbang na ito ay patunay ng determinasyon ng Amerika na durugin ang mga cartel.
Kasabay nito, isang high-level meeting ang isinagawa sa Washington sa pagitan ng Mexico at U.S. para pag-usapan ang drug trafficking at fentanyl crisis. Si Mexican President Claudia Sheinbaum naman ay umaasang maiiwasan ang mga taripa, habang patuloy na tinututulan ang anumang military action ng Amerika laban sa mga cartel sa Mexico. – via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *