Inamin ni Senator Ping Lacson na wala pang mabigat na ebidensya laban kay former Speaker Martin Romualdez maliban sa akusasyon ni Orly Guteza, ang whistleblower na bigla na lang naglaho.
Ani Lacson, kung gusto talagang magpaimbestiga ni Guteza, bakit siya umano biglang nawawala
Matatandaan na sinabing nasa kustodiya raw ng Philippine Marines si Guteza pero hindi umano ito totoo.
Sa ngayon, salita lang ni Guteza ang hawak nina Senator Rodante Marcoleta at dating Congressman Mike Defensor na ayon kay Lacson, gumawa pa umano ng pekeng notaryo sa affidavit nito.
Samantala, tuloy-tuloy ang paghahanap kay Guteza at nagsagawa na ng mga kaukulang hakbang ang mga kinauukulan upang mahanap ito at makakakuha ng dagdag na ebidensya. | via Ghazi Sarip
