PBBM, tiniyak ang pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Tino

Patuloy na binabantayan ng pamahalaan ang epekto ng Bagyong Tino na nakaapekto na sa mahigit 340,000 residente sa 1,397 barangay sa mga rehiyon ng MIMAROPA, Bicol, Western at Central Visayas, Eastern Visayas, Caraga, at Negros Island Region.

Ayon sa ulat, mahigit 175,000 katao ang kasalukuyang nasa mga evacuation center matapos isagawa ang pre-emptive evacuation sa mga apektadong lugar.

Nakaposisyon na rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng food packs at relief goods na handa nang ipamahagi.


Samantala, tumutugon na ang Department of Energy (DOE) at National Electrification Administration (NEA) sa mga brownout at power outage, habang nagsasagawa naman ng clearing operations ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para linisin ang mga kalsada.

Ayon sa Malacañang, magpupunta rin ang ilang miyembro ng Gabinete sa mga pinaka-apektadong probinsya upang personal na alamin ang sitwasyon at tiyaking maibalik agad ang pangunahing serbisyo sa mga residente.

Tiniyak ng pamahalaan ang tuloy-tuloy na aksyon para mapabilis ang pagbangon ng mga apektadong pamilya.


Paalala sa publiko: manatiling alerto at makinig sa mga abiso ng inyong lokal na opisyal. | via Andres Bonifacio Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *