Ipasusubasta na ng Bureau of Customs (BOC) ang pitong luxury cars na nakumpiska sa mga Discaya noong October 2025.
Kabilang sa mga sasakyang ipasusubasta ay ang Toyota Tundra (2022), Toyota Sequoia (2023), Rolls Royce Cullinan (2023), Mercedes-Benz G63 AMG (2022), Mercedes-Benz G500 (2019, Brabus), Lincoln Navigator L (2021) at Bentley Bentayga (2022).
Gaganapin ang auction ng alas-10 ng umaga sa November 17 sa Port Area, Manila.
Bubuksan naman ang public viewing para sa mga interesadong bidder mula November 10 hanggang 12 sa PUC Parking Area, OCOM Grounds sa Port Area, Manila.
Ayon sa BOC, posible namang umabot sa P120 milyon ang kikitain mula sa auction. | via Alegria Galimba
