Inihain na ng Department of Justice (DOJ) ang mga subpoena sa mga respondent sa limang umano’y ghost flood control projects sa Bulacan, ayon kay Acting Justice Secretary Fredderick Vida nitong Lunes, November 3.
Ayon kay Prosecutor General Richard Fadullon, nakatakda ang preliminary investigation sa Nobyembre 10.
Kabilang sa mga iniimbestigahan ang ilang dating opisyal ng DPWH sa Bulacan District Engineering Office at isang contractor na umano’y nagpahiram lang ng lisensya para makakuha ng proyekto.
Una nang ibinigay ng DOJ sa Office of the Ombudsman ang mga kaso para sa review, ngunit ibinalik ito ni Ombudsman Crispin Remulla upang iwasang maulit ang proseso.
Sa ngayon, puspusan ang DOJ sa pag-evaluate ng mga kaso kaugnay ng malversation, falsification, perjury, at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Nanawagan si Vida ng kaunting pasensya sa publiko, giit niya bagama’t mabagal, tuloy-tuloy at tama ang prosesong isinasagawa upang masigurong may pananagutan ang mga dapat managot. | via Allan Ortega
