Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na generally peaceful ang Undas ngayong taon batay na rin sa kanilang pag-monitor sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sinabi ni Nartatez na nananatiling aktibo ang kanilang pagbabantay upang maiwasan ang anumang aberya hanggang sa pag-uwi ng mga biyahero sa Metro Manila.
Maituturing na matagumpay ang Undas ngayong Sabado dahil walang major incident o banta ang naitala sa alinmang sementeryo sa bansa.
Inatasan ni Nartatez ang kanyang mga commanders na araw-araw siguraduhin ang kaligtasan ng publiko.
Nasa higit 50,000 pulis ang na-deploy simula Oktubre 30 sa pagsisimula ng Undas. | via Anne Jabrica
