Personal na nilapitan at kinamayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Chinese President Xi Jinping sa APEC Summit sa South Korea.
Pero ayon sa Pangulo, hindi biro ang pag-approach kay Xi dahil napapaligiran umano ito ng mga security.
Dagdag pa niya, mahirap umano itong lapitan at ayaw niya sanang mamilit dahil baka masuntok pa ng security guard ni Xi pero nakakahiya rin naman daw kung hindi ako babati.
Kaya’t pinilit niya talagang makalapit at kinongratulate ang pangulo ng Tsina sa pagkapili sa kanila bilang host ng APEC 2026.
Kasama rin sa social media post ng Pangulo ang larawan ng kanilang handshake at sinabing pagtitibayin ang commitment ng Pilipinas sa partnership at kooperasyon sa ating rehiyon. | via Ghazi Sarip
