Tagumpay ang isinagawang Blood Donation Drive ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) katuwang ang Philippine Red Cross ngayong araw, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Day of Charity.
Layunin ng aktibidad na ito na makahikayat ng mas maraming Pilipino na magbigay ng dugo upang makapagligtas ng buhay at masuportahan ang mga nangangailangang pasyente sa mga ospital sa buong bansa.
Patuloy na ipinapakita ng PCSO ang kanilang malasakit sa publiko sa pamamagitan ng mga programang pangkalusugan at serbisyong tumutulong sa mga Pilipino lalo na sa panahon ng pangangailangan. | via Allan Ortega
